What is rebound relationship?
It means: Someone who is on the rebound" or recently out a serious
dating relationship, is popularly to be psychologically incapble of
making reasonable decisions regarding suitable partners due to emotional
neediness, lingering feelings towards the old partner, or unresolved
problems from the previous relationship. being with a Rebound
relationship are believed to be short-lived due to one partner's
emotional instability and desire to distract themselves from a painful
break up, and those emerging from serious relationships are often
advised to avoid serious dating until their tumultous emotions have calmed.Para sa ibang hindi pa nakaalam kung ano nga ba ang panakip butas yan salitang maaring hindi mo magugustuhan once na malaman mo kung ano nga ba talaga ang salitang yan at masasabi ko ang pinakamasakit sa isang nagmamahal ay yung malaman mo na naging panakip butas ka lang pala niya mula sa isang tao na iniwan at sinaktan din siya. "Love Rebound"Or Rebound Fling" masasabing isang rebound ang relasyon kung ang taong karelasyon mo ay kagagaling lamang sa isang break up or old relationship. hindi rin mahalaga kung gaano kahaba na dapat mabakante ang isang tao bago siya magsimula ulit. ang mahalaga kung sya talaga ay naka "move-on. Anyway hindi naman kailangan pa ng sukatan. ang mahalaga ay kung ano yung nararamdaman mo or kung ikaw ba ay nasa isang Rebound Relationship" ,<>lagi niyang sinasabi o knwento yung tungkol sa ex niya at gusto niya rin na gawin niyo yun..<>alam mo yung ex ko ganito ganyan yung kami pa, <> tapos lagi ka niya inaaya sa mga lugar na dating pinupuntahan nila ng ex niya tas yung madalas na kinakainan nila...<>gusto niya rin kung ano yung ginagawa ng ex nya dati eh gagawin niyo rin. Tapos <>madalas ka pa niya ikumpra sa ex niya na gusto niya ba eh maging katulad ka rin, ng character nung ex niya! Alam mo yung pakiramdam na oo nakakalungkot nga pero diba parte naman talaga ng buhay ang masaktan ka dahil sa pag-ibig hindi na rin siguro bago sa mga nagmamahal ang ganyang mga sitwasyon. Dahil minsan walang ibang makakatulong sa sarili natin na maka-move on kung hindi natin gagawin. "Mahirap magtiwala sa mga taong hindi kayang panindigan ang kanilang na umpisahan. kaya wag na wag mong sasabihing mahalaga ang isang tao kung ikaw mismo ang mang iiwan. Mahirap talaga kapag ginawa kang rebound" dahil kahit ano pang gawin mo hindi pa rin makikita yan ng taong mahal mo.sapagkat hindi namn ikaw ang nakikita niya kundi ang taong minahal nya!,Yan din yung cause na magiging dahilan ng awayan niyo , kagaya rin ng awayan nila ng ex niya, Paano nga ba ikaw napasok sa isang Rebound or Fling Relationship. halimbawa:may nakilala kang isang tao na nasa gitna ng isang nagkakalabuan na relasyon. sa una akala mo magiging part ka lang sa buhay na bilang isang kaibigan. na taga advice, mas madalas kayong dalawa ang mag usap,na dapat ang ginagawa niya eh maresolve ang problema nila ng ka relasyon niya. pero dahil pumasok ka sa sitwasyon na yan nandiyan ka lagi para sakanya na mag pakita ng pagpapahalaga sakanya. dahil pinapalakas mo ang loob niya na makakaya niya rin ma solve ang problema niya. o ang mga pinagdadaanan niya. hanggang sa dumating na higit pa sa isang kaibigan ang turingan niyo sa isat-isa. na mas madalas ka niya kausap. at ka chat,sa madaling salita mas madami na kayong oras sa isat-isa kumpara sa partner niya. darating sa point na hinahanap hanap mo na yung ganong sitwasyon, na magtatampo ka kapag hindi nag paramdam at halos mahimatay ka naman sa tuwa, at sabay patalon -talon pa nalalaman naks naman diba ang bilis ng tibok ng puso pag nag paramdam na ulit siya.. Kapag hinayaan nyong pareho ang ganitong uri ng sitwasyon. at ang pinaka worst eh yung dumating siya sa part na kailangan niya na mag desisyon na tapusin ang kanyang relasyon sa taong mahal niya sapagkat dahil sa tingin niya eh mas masaya sya sayo, habang ikaw naman ay unti-unti ng nahuhulog sa kanya. sa isang iglap eh naging kayo na as a new partner, Kapag dumating kayo sa bagay na yan saka mo lang malalaman o masasabi yung mga sintomas o rason na nabanggit ko.diba kung iisipin mo at papakiramdaman lang yung hindi ka magbubulag-bulagan na mas masasaktan ka lang dahil alam mong hindi talaga ikaw ang laman ng puso't utak niya. sa totoo lang masakit tanggapin pero yan ang totoo. meron din naman na may mga taong nasa isang relasyon eh ginawa na nila ang mag move on , kaya nag pasya na sila na pumasok sa bagong relasyon hindi ibig sabihn pag bago eh rebound, may mga taong sadyang naka move on na kaya mas pinipili nila yun. lagi ko nga sinasabi na wag kang papasok sa isang relasyon kapag nalulungkot ka lang naiinscure ka or may masabi lang na may partner ka dahil alam mo naman sa umpisa na hindi ka pa talaga buo o sadyang naka recover sa past mo. it takes time, panahon ang makakapag sabi niyan at kung mismo ikaw ay handa na ulit go. About naman don sa movie na One more chance" diba sabi don "hindi mo ba alam ang Three -month rule???? lahat ng taong na inlove at nakipag break alam yun"Popoy" as i said nag wowork lang yan sa mga taong naka pag move on na na sila pa. yung Three month rule para sayo yan na or i mean hindi ka papasok sa isang bago until hindi ka pa talaga nakaka move on, Take note lagi mong tatandaan na hindi lang siya ang una't huling tao na magpaparamdam sayo na ganyan ka at syempre higit sa lahat hindi lang siya ang una't huling tao na magmamahal sa'yo tyaka isipin mo nalang na maraming tao na handang mahalin ka ng walang kapalit, at doon mo malalaman na hindi siya karapat-dapat para sa'yo. Kahit na madaming problema ang pagdadaanan natin lagi lang natin tandaan na doon tayo matututo at magiging matibay sa hinaharap. at higit sa lahat kahit na nasaktan na tayo masarap parin magmahal, dahil isa lang to sa paraan or bagay kung bakit ka nilayo sa taong hindi naman talaga nararapat sayo, dahil mas may darating pa na special na naka takdang mahalin tayo at mahal din natin. sabi nga ni Bob Ong"" Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. wag mong hintayin ang araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwanan ka na ng kasiyahan mo" Paano mo makikita yung para sayo kung ayaw mong tantanan yang pinipilit mong maging sayo... Yun lang po eh sana may napulot kayong aral. until next time ,
Thank u po
ReplyDeleteMasakit to sobra.
ReplyDeleteMasakit to sobra.
ReplyDeleteMasakit to sobra.
ReplyDelete