ako'y isang Pilipino

Thursday, March 26, 2015

ang mga kahapon

Baliktanawan natin ang mga kahapon, naramdaman mo na ba ang magmahal ng sobra? yung higit pa sa buhay mo. tara pag-usapan natin!.
Minsan narin ba kayong nabigo,sumuko, at umasa na mararamdaman niyo kung gaano kayo pinapahalagahan, ng taong minahal niyo!. sa karanasan ko oo naman nagmahal na din ako,nabigo at umasa narin, noong bata-bata pako para sakin pag nagmahal ka sa pamilya, mo lang pero yung nakilala ko yung taong nagpatibok ng puso ko doon ko naramdaman na hindi lang pala sa pamilya,mararamdaman niyon kundi sa isang taong nakilala mo, nagsimula sa pagiging magkaibigan, noong una para sakin ok lang na friends kami kumbaga nasa stage pa kasi yung taong na yun sa moving-on so im here naman para matulungan siya, hindi ako humuhingi ng kapalit kung mamahalin ba ako basta ako nandito lang bilang kaibigan. taga pakinig at taga advice, pero habang tumatagal bigla ko nalang naramdaman na may something na pala,  noong una  baliwala lang pa segway , lang para hindi niya mahalata ang feelings ko na yun, pero natakot ako na magtapat at baka masaktan lang din. kapag ni reject niya! kaso gusto niya rin pala ako, pero lumipas ang buwan at araw,hindi ko pa nasasabi ang nararamdaman, ko para sakanya! basta para sakin masaya lang ako kapag kausap ko siya kahit pa magdamag dahil sa ganun paraan kahit mamiss ko yung tao. ayos lang kasi nga ganun din siya, stay foot lang ako dyan sa pagiging m,u kasi iniisip ko vulnerable,pa yung tao at nasasaktan pa sa mga nangyari sakanya. pero diko din alam dumating din sa punto na gusto ko na talaga siya, hindi lang sa pagiging magkaibigan kundi mas higit pa doon. lumipas ang taon, inisip ko siguro naman ready na siya mabuksan ang puso niya at ibaling sakin, handa naman ako tanggapin siya. ano man ang past, niya ano ba naman at naging magkaibigan kami,  kaya sinabe ko narin gusto ko siya hindi ko din alam kung tama ba na sinunod ko ang puso ko, alam ko naman sa umpisa na masasktan lang ako, pero masaya kasi ako sakanya masarap kausap, hindi nakakasawa at pag malungkot ka, nandiyan din siya palagi para patawanin, ka hanggang sa umabot yung puntong, kayo na pala basta na lang pag gising mo hinahanap mo napala siya, at higit salahat yung spark, araw-araw. Sa umpisa lang pala yun tatagal pa kayo ng mga buwan na ganun ka ganda ang takbo ng relasyon, hanggang dumating yung punto na nandiyan na yung pag-aaway pero naayos din tapos ok na ulit kaya pa trials lang naman yan lagi namim sinasabi mag paka tatag lang lagi  nandiyan naman si God. para gabayan tayo eh!, pero lumipas na naman ang mga buwan sunod-sunod na ang mga pag-aaway pagtatalo at malimit na hindi pag ka intindihan ng bawat isa. Syempre gaya ng sinabi namin ng pumasok kami sa isang relasyon, kaya natin to hindi tayo susuko diba trials lang naman yan, pero yung mga salitang yun. Bigla nalang din naglaho na parang bula hanggang dumating na yung araw na wag nalang mag usap para walang pag talunan pa, hanggang masasanay ka na lang din ok lang naman kasi hindi kayo nag-aaway  pero noon hindi papalipasihin ang buong maghapon ng hindi magkakausap or magbabati. Hanggang sasabihin mo  bakit dati hindi naman tayo ganito? bakit asan na ba yung noon? pwede naman natin siguro ibalik  ulit yung spark  diba?, pero  iisipin mo ganun ba kadali ibakik ang spark na yun kung tuluyan na nasanay ang mga puso niyo na mag isa nalang yung tipo hindi mo alam kung sino nalang yung nag papa tuloy na lumalaban sa relasyon, kung hanggang saan ka pa kakapit at kung kailan ka bibitaw, yung paulit-ulit niyo inaayos pero hindi niyo magawa ng tama,  at dumarating sa punto na may nakilala na pala siyang iba ang pinaka masakit sa lahat yung hindi mo alam at nandoon ka parin nakahawak at dimo alam kung papano tatanggpin at bibitawan,at kung paano mo mapapa kawalan ang puso mo na siya lang ang hinahanap. At yung pinaka masakit  yung iwan ka na walang rason, kapag tinanong mo naman sasabihin niya pagod na siya hindi niya na kaya, wala naman iba kasi, bakit ba? mahirap sabihin o aminin kung meron kana iba diba nakasakit ka na nga e di todo mo na!, para may alam yung taong naiwan dahil kahit anong gawin niya paulit-ulit niya na itatanong sa sarili niya bakit?,  ganun talaga may ibang mga tao na iniiba na lang ang dahilan para hindi nila masaktan ang mahal nila, kahit alam naman nila sa sarili nila na may iba na sila nagugustohan, dahil kahit ano pa pag mamakaawa mo kung ayaw niya, ayaw na niya sabi nila ipaglaban mo ipaglaban.?eh bumitiw na nga yung tao ano pa ba ipaglalaban mo. dahil masakit talaga ang maloko mahirap tanggapin ang kasinungalingan, at mahirap din yung temang maiiwan ka na mag-isa na hindi mo alam kung papano ka ulit makaka bangon sa pag ka dapa mo at kung papano mo haharapin ang panibago bukas. Yung mga panahon na yun unti-unti nalang lumalabas sa bibig niya ang mga rason kung bakit kailangan na kayo maghiwalay, masakit man tanggapin kailangan mo unawain na hanggang doon nalang talaga kayo, na darating din yung tamang tao na inilalaan sayo ni God , dahil masasabi mo nalang kaya ako nilayo ni God, kasi hindi talaga siya para sakin. Sa mga panahon na yun wala ka magagawa kundi umiyak! at masakit parin. bulag kaparin kahit alam mo na talaga ang sagot. tapos kinabukasan sasabihin mo kaya mo to.. then darating na naman sa punto babalik ang mga alala ng kahapon.  Hanggang isang araw naglalakad ka dimo alam kung saan ka patungo at dadalhin nang mga paa mo at sapag iisip mo dinadala ka na sa Lugar na banal. doon mo makikita ang mga katanungan at mga hinanakit na gusto mo ilabas, hihingi ka ng payo sakanya at hihingiin mo na gabayan ka niya sa mga darating pa na araw. iyak ka lang sakanya sandal ka lang magtiwala ka lang darating ang araw na makaka bangon ka din at mas lalo ka magiging matibay , mahalin mo ang sarili mo turuan mo na mag patawad at iwan mo na ang mga kahapon mo, magsimula ka ulit ng bago mas matatag at buong tapang na haharapin ang mga pagsubok na darating. dahil sabi niya andito lang ako anak, lagi bukas ang palad ko sayo. para sakin noong mga panahon na yung dahan-dahan nawala ang mga bigat na dinadadala ko. At lalo na yung marinig ko yung paborito kung kanta.Take me out of the dark "by Gary V'..na pag tanto ko at sinabi ko sa sarili ko na ayoko makulong sa kahapon, sa umpisa lang mahirap pero kung bukal sa loob mo at nakapag pasya kana, na pakawalan ang kahapon , doon mo malalasap ang tagumpay ng kinabukasan, na hindi mo kailangan lage isarado ang puso mo sa iba kailangan bukas ka, at higit salahat yung buo kana at handa kana harapin ulit ang kinabukasan. Para sakin tanging nasabi ko na tama dapat wag ka papasok sa isang relasyon kapag nalulungkot ka o naiinsecure, or masabi lang na may partner ka kasi hindi naman tama yun! dapat kung papasok ka dapat sigurado buo kana at matatag na at walang pang hihinayang dapat kaya mo na dalhin ang sarili mo at may respeto ka. at tapat sa taong mamahalin mo dahil doon mo mapapa tunayan na hindi naman masama magmahal ng tao pero dapat mahal mo din ang sarili mo. Hanggang sa makamit mo ang tunay na happiness na hinahanap mo.                                                            """Wag kang matakot  mag-mahal ulit, hindi naman lahat ng tao katulad niya!.                            ^^^Huwag kang manghinayang kung ngayon ay nabigo ka.. tandaan mo mas magandang nabigo ka dahil sinubukan mo kesa sa nabigo ka nang hindi mo pa sinusubukan,..               ""Sacrifice is the only language of love. huwag humingi ng paliwanag kung wala kang balak maniwala at lalong wag kang magmahal kung wala kang balak magtiwala.                               "Mahirap at masakit ang dadaanin mo bago ka matuto. mahirap at masakit ang dadaanin mo bago ka Magbago. pero mas mahirap at masakit kung pina panatili mo ang puso mo sakanya dapat pakawalan mo para hindi ka ma stuck  sa taong hindi na sayo!.. "" tandaan mo lagi na Struggle isn't fun but it is an opportunity to be brave.                                        ^^^^Sa pag-ibig di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. mas matimbang ang karanasan sa sakit na pinagdaanan. ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan. move on, it's just a chapter in the past, but  don't close the book just turn the page., hanggang sa susunod ulit sana ay may napulot kayong mga aral..

No comments:

Post a Comment