ako'y isang Pilipino

Friday, March 27, 2015

"Sugat"

  • May mga bagay na panahon lang ang makakapag turo sayo! 

Gaya ng paghilom ng mga sugat ng nakaraan. Pag papatawad sa taong nakasakit na iyong damdamin.paglimot sa pagibig mo sa isang tao. Minsan nasasabi natin bakit kailangan pagdaanan pa natin to! Kung sino pa yung taong nag mahal ng tapat. Siya pa ang maiiwan at mag mamarkang mga sugat. Na mahirap gamotin lahat naman tayo nakakadanas ng ganito iba-iba nga lang tayo ng mga kaganapan kung bakit may bakas parin o sugat mula sa ating nakaraan. Na hanggang ngayon pinipilit parin natin hanapin ang mga gamot o ano ang mainam na makapag papa wala ng mga sakit nito.bakit nga natin pinipilit ang sarili natin na balikan ang mga pangyayari na nag iwan ng matinding sakit.

Aminin man natin o hindi pero gusto natin maramdaman o ibalik yung taong nang iwan ng mga sugat satin..diba bakit? Para maransan mo pa ulit-ulit ang sakit na binigay niya bakit wala ka na respeto sa sarili mo...mauubosan ka ba? O natatakot ka lang mag-isa o baka naman nalulungkot ka at dimo kayang mawala siya? Kung iisipin natin kung nagawa ka ng iwan, saktan ng taong mahal mo bakit mo pa hahayaan magbalik siya hindi mo ba naisip sa mga panahon na kailangan mo siya at gusto mo siya ang makaka damay mo pero asan siya? Diba wala naiwan ka mag isa.!

Sasabihin mo na baka may natitita pa na pagmamahal sa puso niya! Alam mo kung meron man sabihin natin sige meron pa nga pero bumalik ba sayo?. Diba hindi naman kaya bakit mo pa ipag pipilitan ang sarili mo sakanya. Kung siya mismo ang tumapos ng lahat kaya ka nag durusa ngaun bakit manhid kana ba ngaun para hindi mo maramdaman yun. Kailan ka ba magigising? Kailan mo papakawalan ang mga puot pighati, at kalungkotan na nadarana mo ngaun. Oo hindi ganun kadali dahil naging parte siya ng buhay mo at minsan din naging masaya at mahirap makalimutan ang pinagsamahan niyo ng matagal.

Pero isipin mo din wala sa tagal haba ng panahon. Kung dahan-dahan mo ng bibitawan ang mga nakaraan paglaanan mo ng oras ang sarili mo at pag ukulan mo din ang mga taong nagmamahal sayo at handang dumamay sa mga oras na kailangan mo. Hindi mo kailangan maghanap ng bago para mapalitan o mawala ang sugat. Ang kailangan mo ay panahon. Pagmamahal sa sarili at respeto mo. Ibaling mo sa ibang bagay ang atensyon para hindi mo maalala ang mga pighati na naiwan dapat matuto ka mag patawad mahirap man at masakit. Pero sa bandang huli magiging maayos din ang lahat dahil sa paglimot at pag papatawad mo. Doon mo makikila ang sarili mo at kung paano magiging matatag.

Hindi mahalaga kung wala ka man bago partner. Nam-namin mo muna ang mag isa gawin mo ang mga bagay na dimo nagagawa noong kayo pa. At wag kang matakot kung paulit-ulit kang madapa basta bumangon ka at taas noo mo, harapin sila. Kaya mo naman kung gusto mo na talaga bitawan ang pakawalan ang sugat na naiwan. Isipin mo na may dahilan ang Diyos. Kung bakit mo nararamdaman yan! magpasalamat ka dahil darating ang panahon. Sasabihin mo na tama sila wag matakot sa nakaraan at kalimutan ang mga sugat ng kahapon. dahil yan ang karanasan mo na mag bibigay sayo ng sandata. Para maging better person. At hindi mo kailangan gumanti at manakit.

"We need to learn to love the flawed,imperfect things that we create, and to forgive ourselves for creating them"regret doesn't remind us that we did badly,it reminds us that we know we could do better.

No comments:

Post a Comment